Feeling ko ako na ang pinakapagod na tao sa Earth ngayong araw na ‘to. Kinasal kasi yung p
Feeling ko ako na ang pinakapagod na tao sa Earth ngayong araw na ‘to. Kinasal kasi yung pinsan ko at isa ako sa punong abala sa pag-aasikaso ng mga bisita sa reception. Taga-asikaso ng mga pagkain, mula sa resort kung saan ginanap yung reception hanggang sa continuation dito sa bahay. Hindi natapos ang pagseserve ng pagkain, at sunod naman ang tambak na hugasin. Buti maaga pa kami natapos, akala ko kanina mga alas-dose na. Ang problema ko eh maaga ang call time namin bukas. Alas-sais ng umaga sa Sucat. Sobrang pagod ko at malamang tatanghaliin ako bumangon. Yun ngang hindi ako pagod tanghali na ko magising, paano pa ngayon? Kaya pinagpaplanuhan ko na lang na hindi matulog. Pero sigurado hindi ko kaya ang hindi matulog. Kaya okay na yan kung ma-late ako bukas. haha! At chaka mag cu-cutix pa ko ngayon bago matulog. Hinid na keri ng skedyul ko pag next time pa. Ako pa busy diba? Oh hai der Tobby, peeking at my back. :3 -- source link
Tumblr Blog : winterrains-blog.tumblr.com
#wasted