THE BREAK-UP CHECKLISTAyon sa survey, sa sampung relasyong nauuwi sa break-up, walo ay naghihiwalay
THE BREAK-UP CHECKLISTAyon sa survey, sa sampung relasyong nauuwi sa break-up, walo ay naghihiwalay ng walang proper closure at ang dalawa naman ay nauuwi sa morbid na saksakan. Bakit? Dahil hindi nabibigyang linaw ang bawat detalye kung bakit nga ba sila nag-break dahil sa matinding bugso ng feelings. This checklist is provided para masagot ang bawat tanong na minsan ay nakakalimutang itanong during break-up at upang maiwasan ang hanging questions in the end. #BreakingUpTheEngineerWay —-DIRECTION:1. Answer the following questions ng walang pag-iimbot at buong katapatan.2. Right minus wrong. ( Kahit man lang ngayon dapat sigurado ka na.)3. The more diin the handwriting, the more na atat na atat kang kumawala sa akin.4. Late submission will not be accepted. ( Gaya ng rejection na nararamdaman ko ngayon.) 5. Write legibly. Kahit ngayon man lang para mabigyan mo ng linaw kung ano ba talaga.6. No erasures. Mahahalatang hindi sincere.7. No cheating. Paulit-ulit na kasi. Hindi ka pa ba nagsasawa?QUESTIONS:1. Ano ba talagang problema? May ginawa ba akong mali?( “It’s not you, it’s me.” is not aacceptable. Try another stupid excuse.)*Please provide another sheet kung madami kang dapat ipaliwanag.2. Am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? ( Skip this question kung di ko kasing ganda si Liza Soberano. )3. Kelan mo pa naisip na gusto mo ng makipaghiwalay? A. Nung last monthsary/weeksary/daysary natin?B. Nung last time na nag-away tayo?C. Nung narealize mo na meron ng mas higit sa’kin.4. In line with question #3, bakit mo pa pinatagal?A. Dahil alam mong maayos pa natin ito dahil mahal mo ako. #HopingB. Dahil naaawa ka na lang sa’kin. ( Awa is a big word.)C. Dahil takot ka na baka ipa-bash kita sa mga followers ko sa peysbuk?D. Dahil hinihintay mo pang matunaw ang mga fats ko sa tagiliran.5. Para kanino ka na bumabangon ngayon? May iba na ba? ( If wala, proceed to #9. ) Pero ang lakas ng kutob kong meron. So please specify the details ng bago mong kinahuhumalingan. Complete name pati middle initial ng lola niya.FB accountExact home address School/office addressSuking tindahan Restaurant na madalas kainan. ( At paboritong orderin.)Exact location kung saan nag-aabang ng jeep.Oras kung kelan umuuwi ng bahay.Location ng mga CCTV sa kanto nila.Bonus Points: Make a quick sketch of him/her nang maipablatter ko na agad. *Stick figure is not allowed.6. At what point ka biglang nahulog sa kanya? Explicate using Newton’s Law of Gravitation.7. Masarap ba siyang iVersace on the foor? Arrange the following depending upon the level of sarapness.McDo FriesHawaian PizzaMe ( Choose me. choose me. )Jollibee Chicken JoyMe ( Choose me. choose me. )Ellen AdarnaMe ( Choose me. choose me. )Yung Bago Mo.8. Anong meron siya na wala ako? Give atleast 3. ( Tatlo lang please. Mas masakit kapag nilahat mo.)9. Kelan mo naramdamang hindi mo na ako mahal? State the complete date, exact time, maging ang eksaktong alignment ng mga planeta at bituin. ( Bitch please, “Hindi ko alam. Basta ko na lang naramdaman.” is not a valid answer. Napakaprimitive. )10. Minahal mo ba ako dahil kelangan mo ako o kelangan mo ko kaya minahal mo ko? Explain thru essay form in not less than 20 sentences.11. Yung huling beses na sinabi mong mahal mo ako, totoo pa ba yun o sinabi mo na lang just to convince yourself na mahal mo pa ako?*Write your answer in hieroglyphics or in alibata form. Feel free to choose between the two. Ako na bahala magtranslate para hindi sapul.12. Ganun na lang ba talaga kadali yun? Calculate the speed using the formula,speed = distance / timewhere,t= tagal ng pinagsamahan nating dalawa and d= distance ng feelings natin sa isa’y-isa ngayon.*Don’t use calculator. Bilangin gamit ang daliri. 13. Can we still work this out? 13.1 If yes, choose the correct venue kung saan mo gusto. A. Gold’s Gym B. Fitness FirstC. Free Zumba Class at Rizal Park.13.2 If no, sino ang mas matigas, ikaw o si Bash? Identify using Mo’s Scale of Hardness then pakiuntog ng ulo mo sa pader.Bonus Question: 14. May gusto ka pa bang sabihin for the last time? You can say anything you want except the following statements, 1. “Mahal pa rin kita.” (‘Cos we both know na kalokohan lang yan. Wag na nating i-sensationalise ‘to. You still love me but you just love me in a different way now. )2. “Can we still be friends?” ( Sus. Pakunswelo mo lang yan. Gusto mo lang ng ka-Fubu. Malibog! )3. “Kung tayo talaga, tayo pa rin sa huli.” ( Pa-destinty destiny ka pang nalalaman. Tanginamo?! ) -- source link
#kwentongmekaniko#israelmekaniko#thebreakupchecklist