15 TIPS ON HOW TO BE AN HONORARY INSTAGRAM JOWAHere’s to the Instagram Jowas na hindi nagsasaw
15 TIPS ON HOW TO BE AN HONORARY INSTAGRAM JOWAHere’s to the Instagram Jowas na hindi nagsasawa at napapagod samahan ang mga girlfriend nila sa pagpipicture para sa isang instagram-worthy feed. Kayo ang mga makabagong bayani sa likod ng mga jowa niyong kinain na ng social-media.Kaya bilang pagbibigay pugay sa kanilang kadakilaan, narito ang ilang tips para maging isang Honarary Instagram Jowa a.k.a Jowalalay.1. Ipagpaliban muna ang panonood ng Ang Probinsyano. Mag-season marathon ng ANTM para mabigyan ka ng tips ni Tita Tyra sa mga peg pose ni jowa.2. Magpapicture ka muna sa pose na gusto niya. Tapos palagyan ng markings ang pwesto kung saan ka niya kinunan para doon ka din dapat tatayo.3. Learn the art of Angle Management. Bawal kumunot ang noo kahit 1.0mm kapag sinabi niyang “Baby baba pa ng konti.”, “Hindi ganyan. Taas pa.”, “Layo ka ng konti.” Or else, Armageddon na ito.4. Ipa-adjust na agad sa kanya ang setting ng camera para i-cclick mo na lang. Burst shot para click lang ng click.5. Wag na wag babanggitin ang, “Baby. Bawal pa kumaen?” hangga’t hindi pa siya tapos sa pagfflatlay. Isa yang malaking insulto sa jowa mong nilamon na ng #FeedGoals6. Kapag ‘Against-the-light’ ang kuha, ikaw dapat ang mag-adjust. Wala kang karapatang pagsabihang lumipat siya ng tayo. Kung kaya mong ibahin ang alignment ng araw at buwan, gawin mo. Gawan mo ng paraan. I repeat, gawan mo ng paraan!7. Magbaon ng madaming madaming skyflakes para habang nagpipicture siya ng pagkain, di ka mamatay sa gutom. Kantahan na lang siya ng “Magflatlay ay di biro maghapong nakayuko.”8. Kapag sinabi niyang, “Baby. Stolen shot.”, Hangga’t hindi niya sinasabing tama na, wala ka sa posisyon para huminga at tumigil sa pagpipicture. Buhay mo ang nakasalalay dito.9. Dala ka ng mini-electric fan sa bag para kung gusto niya ng wind-effect sa mga photos niya, hindi mo na kailangan magmakaawa at iaalay ang sarili sa Bathala ng Hangin.10. Sakyan siya sa lahat ng trip. “Baby. Kunware naglalakad ako tapos biglang mapapalingon.”, “Baby kunware fashion blogger”, “Baby kunware hindi ka pa pagod.”, “Baby kunware mahal mo pa ako.” “Baby kunware feeling blessed.” kahit gustong-gusto mong sumigaw ng “Baby pakiBLESSan ngawit na ko!”11. Responsibilidad mong paalisin ang lahat ng photobomber sa paligid niya bago siya kunan ng picture kung ayaw mong ikaw ang mawala sa buhay niya. #WalaTayongChoice12. Kung kailangan mong umakyat ng puno, dumikit sa kisame at sumabit sa helicopter ng walang harness para mabigyan siya ng magandang angle, gawin mo. Yan na ngayon ang sukatan ng tunay na pag-ibig.13. Give suggestion para kunware artsy at nag-eenjoy ka like, ‘Baby pikit ka para sultry tingnan.” “Baby, tip mo yung toe para kunware model.” “Baby, hindi yan yung anggulo mo. Talikod ka na lang.”14. Wag na wag kang maniniwala kapag sinabi niyang, “Baby. Last photo na. Promise.” Isa yang ultimate patibong para tuluyang mawasak ang matagal niyo ng iniingatang relasyon.15. At higit sa lahat, maging masaya kung saan siya masaya. Tutal mahal mo naman di ba? Masarap sa pakiramdam kapag alam mong ikaw ang lahat sa kanya. Boyfriend. Bestfriend. Photographer. Alalay. Personal Assistant. Tagabitbit ng gamit o taga-ubos ng tirang pagkain. Isa lang ang ibig sabihin nun, kuntento siya at masaya siya sa’yo. #SupportiveLang -- source link
#israelmekaniko