‘BREAK-UP’ CODE OF ETHICS (16 UNWRITTEN RULES NA WRITTEN NA NGAYON)In accordance wi
‘BREAK-UP’ CODE OF ETHICS (16 UNWRITTEN RULES NA WRITTEN NA NGAYON)In accordance with its primary values and ethical standards, this set of guidelines is issued by a certain “Alagad Ng Pag-ibig” na sobrang bihasa at eksperto pagdating sa pighating dulot ng break-up in order to help other mangingibig overcome the same kind of tragedy and to protect the world from devastation and to unite all people within our nation. ( wahhht?)They say that the hardest part of losing someone comes in two ways. (1) Saying goodbye ( During break-up) and (2) Learning to live without them ( Post break-up syndrome.)So, eto na yun.DURING BREAK-UP. ( Yung tipong on-going pa lang ang mga break-up dialogue niyo sa isa’t-isa ganun.)1. Wag na wag siyang hahabulin kapag bigang nagwalk-out. Bigyan ng justification kung ano ang itinadhana. Um-exit ng naaayon sa haba ng laylayan.2. Kung ikaw naman ang magwawalk-out, wag na lumingon pabalik in slo-mo. Nakasakay na siya ng jeep.3. Wag ng humirit ng isa pang kiss kung nakipag-break na. ( kahit gustong-gusto mong lapain yung labi niya kasi naman ang kissable kasi kaya ang hirap i-let-go ganun.)4. Pero kung talagang mapilit siya, magpaubaya. Pumikit. Yakapin siya ng mahigpit at damhin ang moment sabay pisil sa masels. Dahil baka last na yun.5. Pero wag na wag rumequest ng ‘break-up sex’ para mabigyang conviction ang finale. Ito ay ipinagkakaloob lamang 1-week bago matapos ang 3-month rule kung gusto mong ma-extend ang moving-on process kasi may sayad ka sa utak.6. Gumawa ng The Break-Up Checklist para iwas-buckle during confrontation scene.7. Tadjakan mo kapag humirit ng, “Can we still be friends?”. Isa yang ultimate dynamic portal para muli ka niyang balikan just in case hindi magwork-out ang huling relasyon niya.8. Don’t ever go into bargaining like, “Magbabago ako para sa’yo”. Kahit ano pang gawin mo, buo na ang desisyon niya. Magbago ka para sa sarili mo hindi para sa ibang tao, then install Tinder.9. Kahit gaano ka pa kagalit, wag na wag mong sasampalin. Very teleserye yon. Napakabasic. Bayagan mo sabay takbo.—–AFTER BREAK-UP ( Yung the day after and so on, ganun. ) 10. Walang bawian ng gamit na ibinigay mo na. Unless hindi mo pa tapos hulugan.11. Kung balak mong maghiganti, siguraduhing hindi lalampas ng 10k pesos ang damage to property. Baka bigla kang singilin wala ka namang pambayad.12. Huwag agad i-block sa FB after mag-break. Ang unang mag-block, weak. Dapat kunware chill lang. Para makita niya yung mga future lalandiin mo para kunware ikaw yung una nakamove-on. #RevengeOfTheFallen.13. Kahit gaano ka pa kalasing, wag na wag tatawagan si ex para lang sabihing siya pa rin ang mahal mo. Inuman lang walang iyakan. Wag suicidal.14. Ikaw ang iniwan or nang-iwan, it really doesn’t matter at all. Hindi mo kelangang magpa-presscon sa social media. Wala kayong upcoming movie.15. Wag agad palitan ng “single” ang relationship status sa FB. ( Baka magbago pa isip niya just in case meron kayong Break-up sex.)16. Iwasang ang mga self-destructive na kanta sa videoke gaya ng “Dahil Mahal na Mahal Kita” at “Pusong Ligaw” lalo na’t wala pang 1 week kayong nagbbreak. Torture yan.17. Wag i-delete ang nudes na sinend niya sa’yo nung kayo pa. Yun ngang pumupunta ng bertdeyan may pa-souvenir sa guest bago umuwi. Dapat ikaw din meron. Kakailanganin mo din yan gabi-gabi kapag walang wala na.—-Pero seriously, kesyo ano pang rules yan, sabi nga, the best way to deal every break-up is to always love yourself. Maling tao man ang paulit-ulit mong mahalin, pero kahit kailan hindi naging mali ang magmahal. Natapos man ang kwento niyo, pero di pa tapos ang kwento mo. Kaya wag kang mapagod. Magmahal ka lang ng paulit-ulit at babalik din yan sa’yo.FB page: TunayNaPagibigBlog -- source link
#kwentongmekaniko#israelmekaniko#break-up rules