kalakian: Mananagot ang may sala.Lulundo ang lupang kinatatayuan ng sinumang gahaman sa pagkakamkam
kalakian: Mananagot ang may sala.Lulundo ang lupang kinatatayuan ng sinumang gahaman sa pagkakamkam ng hindi kaniya. Lalamunin ng dagat ang magtatangkang higitan s'ya. Didilim ang kalangitan sa mga nawalan ng habag sa iba. Babalikan sila ng lahat ng batong initsa.Ikalubog nawa nila ang bigat ng pasakit na idinulot sa mga inalipusta’t ninakawan. Ikapatid sana ng kanilang hininga ang kadenang ginamit sa mga taong walang sala. Wala ritong pagbabantaIsa itong babalaMunting paalalaSumpa na rin kung mamarapatin ni bathala.Mananagot ang may sala.WM Ang bigat bigat pa rin. Pabalik-balik ako sa galit at pagtanggap. Kaunting panahon pa… -- source link
#kalakian#pilipino#philippines#filipino#filipino poem