Sobrang dami nating pinag samahan sa maikling panahon na binigay sa atin ni God sa lahat ng tropa ko
Sobrang dami nating pinag samahan sa maikling panahon na binigay sa atin ni God sa lahat ng tropa ko ikaw ung kakaiba walang drama puro trip lang happy happy lang ba. Never kita nakitang malungkot ni drama mo nga di ko narinig eh kasi puro ka nalang pang aasar na maitim ako at ung tipong ikaw lang din ung tropa ko na nakapag sinungaling ng harap harapan kay mama alam mo yun nakakatuwa lang maalala tapos pupunta tayo ng seamans village pero ang paalam mag mmcdo lang. Ung tipong pag mabagal wifi sa inyo pupunta ka nalang bigla sa bahay tatambay tapos ppwesto kana sa pinaka gusto mong pwesto sa harap ng salamin. Ung pag nov 1 kasama ka namin nina jacqui tapos tatambay kayo sa may puntod ng lolo ko dun mag hhappy happy tayo. Pero ngaun kami nalang ni jacqui ang mkakagawa nun na sa tuwing sasapit ang nov 1 ikaw na ang dadalawin namin wala nang tatawag sa akin na ponget kasi di ba naalala mo yun nag selos ako kay derick kasi kayo may call sign. Pero ung selos nayun totoo yun di mo alam habang tumatagal nahuhulog na ako sayo pero torpeng torpe ako sayo nun sa ganda mong yan baka naman pumatol di ba hahaha tapos itsura ko pa di ba pero nung nalaman ko kay jacqui na may chance ako sayo syempre masaya ako nun pero may bf kana eh so instead na andyan ako lagi bilang umiibig sayo ay mas pinili ko nalang na maging kaibigan mo di ba worth it naman walang away walang heartaches happy happy lang tayo haha pero ang nakakapang sisi lang ay ang pag iwas ko sayo almost 2 yrs din tayo di nag kikita nor chat or text wala eh may gf ako may bf ka masaya na tayo di ba pero ung effort manlang bilang kaibigan na kamustahin ka kahit na alam kong bf mo ung mag rereply di ko nagawa yun pala pag sisisihan ko yun . Hanggang ngaun hindi padin ako makapaniwala na wala kana sobrang sakit pala mawalan ng kaibigan ni hindi mo manlang ako hinayaang makabawi sayo, di ko naman inaasahan na mag kikita nalang pala tayong muli sa ganitong sitwasyon grabe ka iniwan mo agad kami pero in good side naman kasama mo na si God at may maganda na kaming angel. Pero mamimiss ka namin ng sobra! Rest in Peace Abigail Castrence! Hinding hindi ko malilimutan ang memories natin! -- source link