mysecretcookiejar: Naalala ko nung bata ako, though naiiwanan na ko mag-isa ng parents ko sa school,
mysecretcookiejar: Naalala ko nung bata ako, though naiiwanan na ko mag-isa ng parents ko sa school, umiiyak naman ako pag nawawala sa paningin ko yung teacher ko. Tapos dati, pag nagkakaroon kami ng kasambahay, umiiyak din ako pag umaalis (resign) na sila. Pag dinadala ako sa ibang bahay at narerealize ko na wala na akong kakilala, umiiyak ako. Malipat nga lang ng section yung ibang classmates ko nung high school, nalulungkot na agad ko kahit di ko naman sila ka-close. Separation anxiety. At nadala ko sya hanggang sa tumanda ako. First time ko magboarding house, naiyak pa ko pagkahatid sakin ng parents ko (isang oras na byahe lang naman ang pagitan). Yung mga naging aso namin na namatay, iniyakan ko kahit di ko man lang nahawakan ng isang beses o naalagaan man lang. Yung churchmate ko nag-migrate sa Dubai, naiyak din ako. Yung classmates ko na bihira ko makausap, nag-shift ng course, nalungkot ako. Yung officemates ko nag-resign, nalungkot din ako.Lalo na siguro pag iniwan ako nito. Pag uuwi nga lang sya sa bahay nila pagkatapos ng date namin, nalulungkot na ko eh. Nung nilipat ako office, kunwari wala lang sakin. Nung nagbakasyon sya, nagpipigil akong umiyak (kahit ilang days lang naman yun). Ilang oras nga lang na hindi magtext, di na ko mapakali. Hmm.. Hindi kaya emotionally clingy lang ako? Hehe -- source link
Tumblr Blog : mysecretcookiejar-blog.tumblr.com