ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWANSabi kasi nila, kelangan daw ng closure
ANG KONSEPTO NG CLOSURE AY HINDI PARA SA INIWAN AT NANG-IWANSabi kasi nila, kelangan daw ng closure para tuluyan kang makapagmove-on. Kelangan mong malaman ang eksaktong dahilan kung bakit kayo naghiwalay para maging malinaw sa’yo ang lahat. ‘Cos not knowing can be the worst feeling of all.Pero kapag ba nasagot lahat ng tanong mo makakamove-on ka na nun? Maniniwala ka ba sa isasagot niya o may ineexpect kang sagot para sa kanya dahil naka-plot na sa utak mo yung mga gusto mong marinig? Di ka na ba masasaktan? Kung ganon din lang eh di sana ginawa na lang tableta o capsule yang closure na yan at ipinagbili na lang sa botika. Ang closure ay isang malaking excuse lang para paulit-ulti mong sabihin sa sarili mo na mahirap magmove-on. Na dumedepende ka pa rin sa kapirasong salitang pwede mong marinig sa kanya para masabi mong okay ka na.When one ends a relationship, that’s it! Tapos na. Wala ng Book 2. Wala ng Part 2. The End. Hindi ka na pwedeng humirit pa ng 4-hrs finale para mai-justify ang ending niyong dalawa. Wag mong idepende ang feelings mo sa taong iniwan ka na. No matter how it ended, kesyo bigla na lang hindi nagparamdam o nalaman mo na lang na may iba nang kinakalantari or nagkaroon kayo ng formal break-up sa harap ng 7eleven habang sinisimot ang tirang yelo ng Slurpee, yun na yon. You. Broke. Up. Ano pa bang closure ang kelangan? Hindi ka na niya mahal. Hindi pa ba sapat na closure yon?Minsan kinakailangan mo lang ng closure dahil meron kang “ideal way” ng pakikipagbreak. May gusto kang paraan kung paano kayo maghihiwalay. Kase ang gusto natin ay yung breakup na hindi tayo masyadong masasaktan. Yung “medyo masakit na break-up” lang. Eh wala naman kasing ganun. Break-ups never happen the way we want them too. Unless may pa-eulogy pa kayo sa isa’t-isa habang kumakanta ang Madrigal Singers ng ‘Hindi Kita Malilimutan” or may pa-impromptu kayo habang lumalaklak ng beer. Ang konsepto ng closure ay hindi para sa iniwan at sa nang-iwan. It’s between you and yourself that you have to work things out. Wag mong ipaubaya sa “konsepto ng closure" yung kahihinatnan ng damdamin mo. Tamad mo magmove-on eh no? Sariling sikap tayo hoy. Ang issue dito ay hindi na tungkol sa’yo at sa kanya. Sa’yong sa’yo na ‘to. Ito yung kung paano mo tatanggapin sa sarili mo na tapos na ang lahat ng meron sa inyo at hindi na pwedeng ibalik pa. ‘Cos a break-up alone is already a closure.Case closed. Uwian na. Walang nanalo. Pareho kayong talo. -- source link
#closure#kwentongmekaniko#israelmekaniko