10 REASONS TO CELEBRATE ‘VALENTINE’S DAY’ PARA SA MGA SINGLEAng totoo, wala naman
10 REASONS TO CELEBRATE ‘VALENTINE’S DAY’ PARA SA MGA SINGLEAng totoo, wala naman talagang Valentine’s Day. Ito ay isang imaginary day lamang ng mga magjowang adik at lango sa pag-ibig na wala sa sariling katinuan. Base kasi sa mga naunang kalendaryo na nahukay ng mga archaeologists sa likod ng bahay namin, ang kasunod ng February 13 ay 15 na agad. At sa paglipas ng panahon, nilagyan na lamang ito ng 14 para unawain ang kanilang halusinasyon. At tayong mga single lamang ang may sapat na dunong at kaalaman para intindihan ang kanilang sinapit. At ito ay gawa-gawaan ko lamang dahil, “WALANG MAGVAVALENTINES!!!!!”Pero siyempre, dahil bawal ang bitter ngayong Araw ng Pag-ibig, dapat medyo ibahin natin yung mindset natin para sa ikatatahimik na rin ng ating kalooban at iba pang internal organs.1. Maging excited sa Valentine’s Day dahil ito ay bisperas ng payday. #Payaman2. Ang Valentine’s Day ay isang marketing strategy lamang na pinauso para mabilis maubos ang mga tindang tsokolateng maeexpire sa March. Paandar lamang ito para utuin ang mga magjowang sweet-sweetan sa social media. The point is, hindi tayo nagpauto. Hindi tayo nagpaloko at hinding-hindi na tayo magpapaloko kahit kanino. #NeverAgain3. Kung malungkot tayo dahil mag-isa tayo ngayong Valentines, isipin mo na lang, wala din namang nagmamahal sa’tin kahit nung mga nakaraang araw. So ganun lang din, naemphasize lang ng very light.*Magkapit-kamay tayo at sama-samang mag-walling sa banyo in slo-mo habang humahagulhol.4. Makakatulog ka ng mahimbing sa gabi dahil alam mong hinding-hindi ka niya lolokohin at ipagpapalit sa iba. Meron kang tinatawag na peace of mind. Kasi nga, wala ka namang ngang jowa di baaaa.5. May time ka para yayain lumabas ang mga kaibigan mong single at iparamdam sa kanilang hindi sila nag-iisa ngayong Araw ng mga Puso. Kahit ang totoo, gusto mo lang silang tipunin para makasigurado kang wala din silang ka-date kagaya mo. Dahil kapag hindi masaya ang isa, dapat hindi masaya lahat. Para damay-damay na ituuu. 6. Isipin mo na lang na ang February ay sinadyang gawing hanggang 28 lamang para mabilis matapos ang Buwan ng Pag-ibig. Para March na kaagad. Ang kalendaryo na ang nag-adjust para sa mga single na kagaya natin para di na tayo magdusa pa. Ang Marso ay buwan ng paghihiganti. Lalavan tayo.7. Valentine’s Day is the Ultimate Landi Day. Ito yung best day para maging mapanuri, mapagmatyag at mapagmasid. Dahil habang busy ang iba sa mga ka-date nila, mas visible sa paligid mo kung sino din yung mga single na gaya mo dahil wala din silang ka-date.8. Pansamantalang magnilaynilay at mag #MeTime. Tapos paulit-ulit itong banggitin sa sarili hanggang magsink-in, “Maaaring single ako ngayon at matagal na naghintay, pero malay mo, bukas o sa mga susunod na araw at buwan ….wala pa ring nagbago, single pa din ako. Pero ano naman, sorry Up Dharma Down pero hindi ko kelangan ng sasagip sa’kin. I’m single and I’m sufficient.” tapos pakyuhan mo mga haters.9. Take this day to remind yourself that it’s no one’s job to complete you, fix you and validate you ‘coz your happiness and worth is not dependent on your relationship status. Choice mo man o hindi na maging single, kuntento ka na sa ngayon o patuloy ka pa ring naghihintay, kahit kelan hindi yan naging isang kakulangan. 10. Kung hindi mo kayang maging masaya dahil ‘single’ ka pa, sa ngayon, siguradong hindi din ikaw yung tipo na kayang maging masaya kapag ‘in-a-relationship’ ka na. Marahil magiging masaya ka at the moment pero in the end yung kakulangan pa rin ng isang bagay ang palagi mong makikita. Kaya’t habang single ka, samantalahin muna ang pagkakataon para i-appreciate ang kung anong meron ka. Mahalin muna ang sarili at ang pagmamahal na binibigay mo ay kusang babalik ng higit pa sa inaasahan mo, sa paraang gusto mo at sa pamamagitan ng taong nakalaan para sa’yo.Sa ngayon, hangang #SelfLove muna tayo. Then to follow up na lang yung ibang anik-anik. -- source link