“Sa pag usbong, ako’y inilipad” O kay liwanag ng buwan,Payapa ang paligid, Kalun
“Sa pag usbong, ako’y inilipad” O kay liwanag ng buwan, Payapa ang paligid, Kalungkuta’y yumayakap, Nakaupo sa kung saan, Nagmamasid sa kawalan, Blankong kaisipa’y naiwan, Di alam panong pupunan, Unti unting nawalan ng pakialam, Kasaguta’y di mahanap, Gumugulong tanong sa kaisipan,�Ni hindi matagpuan, Hanggang kailan malalaman, Walang kasiguraduhan,� Pinagtibay ang kalamnan,� Misyong gampanin, Kinabukasa’y sinimulan, Nanahan sa dilim, Kaliwanaga’y nakita, Baon ay sakit at hirap, �Layuni’y makamtan, Sa hakbang nasilayan, Kabuua’y di makita, Pakiramdam ko’y lumapit, Sarili’y di naintindihan, ��Tinanong ang nakaraan, Kasaguta’y walang laman, Kinilabutan sa kinatatayuan, Hinabol ang hinaharap, Kasalanang nagawa,� Galit na walang dulot, Inihain ang sarili, Kalayua’y lumapit, ��Inipong luha, �Duguang nakaraan, Kapaguran ng katawan, Bibitiwang tuluyan, ��Inilipad ng pagkakataon, Minulat ng katotohanan, Katapusa’y nagsimula, Katapusa’y nagwakas, Nasaan na nga ba ako? #artph #philippineart #jpmt #paulotria #filipinopainter #oilpainting #privatecollection #oiloncanvas https://www.instagram.com/p/CLXFn8MBQ5M/?igshid=142nor86e4u0 -- source link
#philippineart#paulotria#filipinopainter#oilpainting#privatecollection#oiloncanvas