Pagdedebosyon sa Poonni Pen Prestado Nagbago ang buhay namin nang dumating ang poon.Sa gitna ng bara
Pagdedebosyon sa Poonni Pen Prestado Nagbago ang buhay namin nang dumating ang poon.Sa gitna ng baranggay, sa tindahan ni Aling Salveiniluklok ang dakila nitong altar.Itinuro ni Aling Salve ang pag-aalay at pagdarasal dito.Inilabas niya ang banal na bibliyanaghanap ng numero ng bersikulo,at pinindot ang mga butones sa dibdib ng poon.Kumuha rin siya ng limang pisoat isinilid sa kuyukot sa dibdib ng poon,kinuha ang banal na mikropono at nagsimulang umawitkasabay ng mga titik at gumagalaw na larawan. Kasama kami nina Itay at Inay sa mga unang deboto ng poon,panata namin ang mag-alay ng dasal araw-araw,Saulado nila ang ilang mga dasal,Habang ako’y aliw na aliw sa mga larawangipinapakita nito sa kanyang mukha.Nabuo ang aking mga pangarap mula sa mga larawan.Dinasal kong marating ang mga lungsodng nagtatayugang mga gusali,sumakay ng tren, barko at eroplano,tumira sa mga palasyo o kaya sa tabing dagat,lumipad sa langit o sumisid sa dagat,pinangarap kong marating ang mga bundok ng yelo,mag-alaga ng elepante, tigre at balyena,maglaro sakay ng mabilis na motorsiklo at kotse,habang sina Itay at Inay, tuwang tuwa sa markana ibinigay sa kanila ng poon.Mgaling daw silang mang-aawit, sabi nito. Umikot ang aming mga buhay sa poon,Dumami ang nagdedebosyon,dumoble ang dami ng alay.Ngayon bukod sa limang piso,may tindang alak, chicharon at sukasi Aling Salve sa mga namamanata.Araw-gabi dagsa ang sumasamba,Halos maluray-luray ang bibliya sa pagpapasa-pasa,napupudpod na rin ang numero sa mga butones,nangunuryente na rin ang mikroponodahil sa naipong laway sa loob nito. Sa bahay, nagsimula na silang mag-away.Naubos ang mga perang ipon nila Inay at Itay:said na ang pitaka, basag na ang alkansya,wala nang pambili ng aking uniporme sa darating na iskwela,wala nang pambili ng gamot sa kanilang hika’t rayuma,wala nang pambili ng bigas, asin, asukal,rekado sa kusina.Wala nang pandesal, wala nang pangdasal,Kailangang daw maghigpit ng sinturon,ngunit hindi sa poon. Mula noon, minsan na lang ako sumasamakay Itay at Inay na mamanata,Saulado ko na ang mga dasalna araw-araw nilang inuusal.Nasawa na rin ako kakatinginsa mga gumagalaw na larawan,Mas pinapangarap kong pumasoksa poon upang sila’y mahawakan.Doon sa kuyukot kung saan isinisilidang mga alay mayroon susian,baka doon, baka yun nga ang pintuan. Nang gabing iyon, habang abala si Aling Salvesa kanyang mga tinda, kinupit ko ang susisa kanyang bulsa, at dali-dali akong pumuntasa harap ng poon, at sa harap ng mga mananamba,binuksan ko ang pinto, at sandali lamang,ito ay sumuka, nagmilagro ang poon,nagbunyi ang mga namamanata, O anong saya!nag-agawan sila sa pabaon nitong biyaya,habang wala akong daang nakita patungo sa kabila. -- source link